^

Metro

24 wanted timbog sa 1-day warrant drive ng QCPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
24 wanted timbog sa 1-day warrant drive ng QCPD

MANILA, Philippines — Dalawampu’t apat na wanted persons, kabilang ang anim na Most Wanted Persons (MWPs) at 18 Other Wanted Persons (OWPs), ang naaresto ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang one-day warrant drive noong Setyembre 4, 2026.

Sa pamumuno ni QCPD Director PBGen. Christopher Olazo, nagsagawa simultaneous operation upang tugisin ang mga indibidwal na may nakabinbing warrant of arrest at iharap sila sa kinauukulang korte.

Kabilang sa mga naaresto ang 42-anyos na si alyas “Jo”, ang No. 10 District-Level Most Wanted Person, na nasakote ng District Mobile Force Batta­lion sa Brgy. East Kamias, Quezon City. Nahaharap siya sa kaso dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Batas Pambansa Blg. 881 o Omnibus Election Code.

Nadakip din ng District Anti-Carnapping Unit si alyas “Mac”, 51, dahil sa paglabag sa Anti-Carnapping Law, habang dalawang iba pang wanted persons ang inaresto ng Talipapa Police Station at Kamuning Police Station kaugnay ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ayon kay Olazo, patuloy ang QCPD sa pagpapalakas ng mga operasyon laban sa mga puganteng may kinakaharap na kaso upang matiyak na naipatutupad ang batas at naihaharap sa tamang proseso ng hustisya ang mga akusado.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with