^

Metro

Solon nanawagan ng transparency sa mga nakabinbing kaso sa DOJ

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Solon nanawagan ng transparency sa mga nakabinbing kaso sa DOJ
This photo shows the Department of Justice office in Faura, Manila.
Philstar.com / File photo

MANILA, Philippines — Nanawagan si Samar 2nd District Rep. Michael Tan ng mas mataas na transparency mula sa Department of Justice (DOJ) sa paghawak ng mga kasong kriminal na matagal nang nakabinbin, kabilang ang kaso ng ambush kay Enrique Manas Sr. noong 2017 sa Sta. Margarita, Samar.

Ayon kay Tan, miyem­bro ng House Committee on Justice, dapat malaman ng publiko kung paano pinoproseso ng DOJ ang mga kasong matagal nang hindi nare­resolba at kung sapat ang umiiral na sistema upang matiyak ang mabilis at patas na paghahatid ng hustisya.

Sumulat si Tan kay Acting Justice Secretary Fredderick Vida upang humingi ng update sa kaso ni Manas, kabilang ang estado ng Motion for Reconsideration (MR) na inihain ng akusadong si Emilio Zosa. Hiniling din niya ang datos sa bilang ng nakabinbing Petitions for Review (PetRev), tagal ng pagkakabinbin ng mga ito, at proseso ng DOJ sa pagresolba ng mga naturang kaso.

Sinabi ni Tan na makatutulong ang impormasyon upang matukoy kung ang mabagal na pag-usad ng mga kaso ay hiwalay na insidente lamang o indikasyon ng mas malawak na problema sa sistema ng hustisya. Nilinaw niyang hindi siya humihingi ng espesyal na pagtrato sa kaso, kundi nais lamang matiyak na naibibigay ang hustisya sa patas at makatuwirang panahon.

DOJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with