^

Metro

Chinese national na sangkot sa visa scam, extortion arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang inaresto ng National Bureau of Investigation–Criminal Intelligence Division (NBI-CRID) sa entrapment operation sa Pasay City dahil sa umano’y visa processing scam at pangingikil sa mga dayuhan.

Ayon sa NBI, nagpapakilala umano ang suspek na may koneksyon sa Bureau of Immigration (BI) upang makapanghikayat ng mga biktimang mula China, Taiwan, at Vietnam na ipagkatiwala sa kanya ang kanilang visa renewal kapalit ng malaking halaga ng pera.

Nahuli sa aktong tumatanggap ng marked money ang suspek matapos umano nitong singilin ng tig-P150,000 ang mga biktima kapalit ng pagbabalik ng kanilang mga pasaporte. Nabawi rin ng NBI ang 22 pasaporte ng mga dayuhang biktima na itinago umano nito.

Sinabi ng NBI na walang naihain umanong visa application ang suspek sa BI at ginamit lamang ang mga dokumento upang makapangikil. Nahaharap siya sa mga kasong robbery-extortion, estafa, grave coercion, resistance and disobedience, at obstruction of justice.

Nagbabala naman ang NBI sa publiko, lalo na sa mga dayuhang nani­nirahan sa bansa, na mag-ingat sa mga nag-aalok ng mabilisang transaksyon sa mga ahensiya ng gobyerno gamit ang umano’y “koneksyon” at agad i-report ang anumang insidente ng panlilinlang o pangingikil.

BI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with