Alok na sex ng 2 ‘lady cops’ nauwi sa rape case
Mister napangitan sa suspek
MANILA, Philippines — Arestado ang dalawang babaeng nagpanggap na pulis na inireklamo ng pangongotong ng isang 50-anyos na mister matapos siyang hingan ng malaking halaga ng pera kapalit ng pagbabasura sa umano’y isinampang kasong rape laban sa kanya sa isinagawang entrapment operation sa Lipa City, Batangas.
Sa ulat ng Lipa City Police, ang dalawang impostor na pulis ay nasakote sa aktong tinatanggap ang P100,000 sa kanilang binibiktimang mister sa loob ng isang convenience store sa lungsod.
Base sa imbestigasyon, lumalabas na kinaibigan umano ng isa sa mga suspect ang mister sa online na nakipagkasundong makikipag-sex sa naturang lalaki.
Gayunman, ayon sa biktima ay hindi niya akalain na ang kasunduang pakikipag-sex sa kaniya ng nasabing babae ay gagamitin pala nito para i-blackmail siya sa panakot na sinampahan siya ng kasong rape at kung ibabasura ito ay kailangan niyang magbayad ng nasabing halaga.
Sinabi ni Lipa City Police Chief P/Lt. Col. Aleli Buaquen, naka-chat ng nasabing mister ang isa sa mga suspect para umano sa sekswal na serbisyo at nang makumbinse ang lalaki ay nagkita sila pero laking gulat niya dahil maganda umano ang larawan ng suspect sa social media pero pangit sa personal. Dito na nagkaroon ng pamba-blackmail at isusumbong umano ng nasabing babae ang naturang mister.
Naibigay na ng mister ang nasabing P100,000 sa mga suspect na nagpanggap na pulis nang makipagkita sa kaniya pero hindi sila tumigil at muling humihingi ng perang dagdag kaya napilitan nang dumulog sa pulisya.
Ikinasa ang entrapment operation ng pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang babae na nadiskubreng mga pekeng pulis at modus operandi lamang nila ang ginawa sa miste
- Latest



















