^

Probinsiya

Lola lulan ng bangka, swak sa dagat!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Lola lulan ng bangka, swak sa dagat!
Zamboanga City Map
Google Maps

Saradong pinto akala CR

MANILA, Philippines — Matagumpay na nasagip ang isang 62-anyos na matandang babae makaraang aksidenteng mahulog mula sa isang pampasaherong bangka sa karagatan ng Zamboanga City nitong Biyernes.

Kinilala ang nailigtas na matanda na si Norhaida Penyon na nagtamo ng mga galos at bahagyang sugat sa katawan sa insidente.

Nabatid na ang naturang pampasaherong bangka na umalis sa pantalan ng Zamboanga City ay patungong Basilan.

Sa ulat ng Maritime Police at Philippine Coast Guard-Zamboanga, bago ito ay nagtanong umano ang matanda sa isang pasahero kung nasaan ang comfort room.

Sa pag-aakalang comfort room (CR) ang pintuan ng nasabing malaking pampasaherong bangka ay binuksan ito ng matanda habang naglalayag sa pero tuluy-tuloy siyang nahulog sa dagat.

Isang ginoo naman na kinilalang si Ibrahim Luna Edris ang tumalon sa bangka para sagipin ang nalulunod na matanda na matagumpay na naiahon.

Ang matanda ay dinala sa pamahalaang panlalawigan ng Basilan kung saan siya sumailalim sa medical examination bago sinundo ng kaniyang anak na babae na taga Lamitan City.

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with