5 LTO offices sa Metro Manila, bukas tuwing Sabado

MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Land Transportation Office (LTO) na higit pang pinalawak at pinabilis ang paghahatid ng serbisyo ng ahensiya sa publiko.
Ito ay sa pamamagitan nang ginawang pagbubukas tuwing araw ng Sabado mula alas-8 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon ang limang tanggapan ng LTO sa National Capital Region (NCR) upang mabigyan ng karagdagang pagkakataon ang mga motorista at kliyenteng hindi makapunta sa LTO mula araw ng Lunes hanggang Biyernes para maisagawa ang kanilang mga transaksyon sa ahensiya.
Ang mga sumusunod na tanggapan ng LTO na nakabukas tuwing Sabado ay ang LTO Parañaque City Licensing Branch (PITX), PITX 2nd Floor, 1 Kennedy Road, Tambo, Parañaque City, LTO San Juan Licensing Center, 2/F LTO San Juan District Office Building, 1 North Domingo St., cor. F. Blumentritt, San Juan City, LTO Valenzuela Licensing Extension Office 2/F ARCA Plaza Building, Maysan Road, Valenzuela City, LTO Valenzuela District Office ARCA Plaza Building, Maysan Road, Maysan, Valenzuela City, LTO Quezon City Licensing Center LTO Main Compound, Brgy. Pinyahan, at East Avenue, Quezon City.
Aniya ang pagbubukas ng mga opisina ng LTO ay makababawas din sa dagsa ng mga kliyente kapag weekdays.
- Latest





















