Kampo ni Duterte hirit suriin ebidensiya bago November 30 trial

MANILA, Philippines — Umapela ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court na higpitan ang beripikasyon sa mga digital na ebidensyang isinusumite bago ang nakatakdang paglilitis sa Nobyembre 30.
Sa mosyon na inihain noong Setyembre 3, 2026, iginiit ng depensa na lumobo ang bilang ng ebidensya mula sa humigit-kumulang 5,000 noong confirmation stage tungo sa mahigit 25,000 na dokumento ngayon, at inaasahang madaragdagan pa.
Babala ng depensa, hindi lamang dami kundi pati kalidad ng mga materyal ang dapat suriin, dahil posibleng makapasok ang misinformation at manipulated content sa court record.
Partikular na binanggit ang panganib mula sa mga platform gaya ng OTPLink, na nagpapahintulot sa sinumang indibidwal na magsumite ng ebidensya direkta sa prosekusyon kahit hindi kilala ang nagpadala.
Dahil dito, iminungkahi ng depensa ang pagdaragdag ng “Expert Verification” field sa ICC’s E-Court Protocol upang masiguro ang kredibilidad ng mga ebidensyang tatanggapin ng hukuman.
- Latest



















