^

PSN Opinyon

Gov. Rosal, tahimik sa jueteng sa Albay!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

NAKAKABINGI ang katahimikan ni Albay Gov. Noel Rosal sa illegal na sugal na jueteng sa kanyang probinsiya. Ibinulgar ni Kap Nemo na nagsimula noong Enero 2026 ang jueteng sa probinsiya ni Rosal. Nang pumasok ang Small Town Lottery na palaro ng PCSO, abayyyyy binokies na ito ng grupo ng dalawang pulitiko at dalawang bigtime contractors. Hindi naman maikaila na ginawang gatasan ng tropa ng pulitiko at contractors dahil ang bookies ng STL dahil si Kap Nemo ang ginawa nilang operations manager. Kaya’t abot nito ang takbo ng kalakaran ng STL-bookies.

Kaya lang, sa kasamaang palad, sinibak si Kap Nemo kaya’t nag-prescon s’ya ay inilantad ang jueteng operations sa Albay. Halos mag-isang buwan na ang prescon ni Kap Nemo subalit ni isang kataga ay wala pang binitiwang salita si Gov. Rosal tungkol sa jueteng. Dahil kaya sa kaso ni Gov. Rosal sa Comelec at sa Ombudsman? Purbidang yawaahhhhh! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe!! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Kung ang kumakalat na video ng prescon ni Kap Nemo ay tinawag na Part 1, may kasunod naman na video kung saan nakapaskil ang mga mukha ng nasa likod ng jueteng sa Albay. Dito naman, limang pulitiko ang itinuturong nasa likod ng jueteng. “Ang legal na STL ay source of tax na para sana sa panggastos ng taumbayan. Kung totoo na ginagawang front ng jueteng ang STL, nawawala ang tax na koleksiyon dito. Para mo na ring ninakawan ng pera na nakalaan sana sa taumbayan ng Albay,” ayon sa Part 2 video. Siyempre, bilang ama ng Albay, kahit hindi naman s’ya pinangalanan sa dalawang video sa jueteng expose’, dapat maglabas ng kanyang panig si Rosal, di ba mga kosa. Kasi sa patuloy na pananahimik n’ya, marami ang madadamay at baka maapektuhan ang liderato n’ya sa darating na 2028 elections. Dipugaaaaa! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Kung ano man ang kasalanan ni Kap Nemo kaya nasibak­ s’ya ay itong mga nasa likod ng jueteng lang ang nakakaalam. Ang kasiguraduhan lang, ay hindi na makakabalik sa dating puwesto n’ya si Kap Nemo dahil pinalitan na s’ya ni Kap Julius Maniabo, ng Candelaria, Quezon. Goodbye Kap Nemo. Sa pag-upo ni Kap Julius, tuloy lang ang jueteng, kaya’t ang mga Albayeno ay nakatingin lang kay Gov. Rosal, na mukhang wala namang palatandaan na kakastiguhin n’ya ito. Mismooooo!

Pagdating sa jueteng, bulag, pipi at bingi si Gov. Rosal! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with