Cong. Leviste, 6 pa kakasuhan ng qualified human trafficking ng NBI
MANILA, Philippines — Nakatakdang kasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng qualified human trafficking sina Batangas First District Representative Leandro Leviste, dating Negros Oriental Congressman Jacinto Paras, at limang iba pa kaugnay ng umano’y ‘honeytrap’ plot laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, isasampa sa Department of Justice (DOJ) ang reklamo laban sa pitong indibidwal dahil umano sa paglabag sa Anti-Human Trafficking Law.
Irerekomenda rin ng NBI ang pagsasagawa ng preliminary investigation sa umano’y pagkakasangkot ng apat na abogado ng Rondain and Mendiola Law Firm at Lito De Guzman.
Ayon sa mga na-rescue sa entrapment operation ng NBI, sinabi umano ni Paras na babayaran sila para gumawa ng kuwento at lumagda sa affidavit.
Una nang itinanggi ng kampo ni Leviste ang pagkakasangkot nito sa umano’y plano kay Recto.
Sinabi naman ng kampo ni Paras na boluntaryong lumapit sa kanila ang umano’y talent manager para tumestigo at humingi ng tulong sa paggawa ng affidavit.
Ayon sa abogado ni Paras, ang P5.5 milyon na ibinigay sa talent manager ay hindi suhol kundi financial assistance para sa mga gastusin nito matapos tumestigo.
Batay sa NBI, nasa Hong Kong si Leviste mula Agosto 2 at mayroon siyang dalawang buwang travel authority mula sa Office of the Ombudsman.
- Latest


















