^

Metro

2 sasakyan, huli sa pekeng plaka ng AFP at LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang sasakyan­ ang nasita ng Land Transportation Office (LTO) nitong buwan matapos mahuling gumagamit ng pekeng plaka ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at LTO.

Nadiskubre ng mga operatiba na nakatago sa loob ng mga sasak­yan ang kanilang tunay na plaka habang nakakabit at ginagamit sa kalsada ang mga hindi awtorisadong plaka, na umano’y naglalayong magmukhang may espesyal na awtoridad o pribilehiyo ang mga ito.

Nakumpiska rin ang mga pekeng conduction sticker, blinker at sirena. Natagpuan din sa mga sasakyan ang mga sticker na may pangalan o nagpapahiwatig ng koneksyon sa isang mi­yembro ng Kongreso, na kasalukuyang sinusuri ng LTO upang matukoy ang pinagmulan at gamit ng mga ito.

Pansamantalang nasa kustodiya ng LTO ang dalawang sasakyan at sasailalim sa beripikasyon ang kanilang mga dokumento, plaka, kagamitan at iba pang identification markings habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Binigyang-diin ni LTO chief Markus Lacalinao na hindi maaaring gamitin ang sinasabing koneksyon sa pamahalaan para makagamit ng pekeng plaka o makaiwas sa batas-trapiko. Aniya, pantay ang pagpapatupad ng batas sa lahat ng motorista, anuman ang kanilang koneksyon o katayuan.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with