2 ‘tulak’ kulong habambuhay - QCRTC
MANILA, Philippines — Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng habambuhay na pagkakakulong ang dalawang drug pusher matapos mapatunayang nagbenta ng mahigit isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng halos P7 milyon.
Sa 25-pahinang desisyon noong Agosto 28, 2026, napatunayang guilty beyond reasonable doubt ng RTC Branch 219 sina Janoden Basmala y Moti alyas “Jhon” at Sainor Musa y Paguingatan sa paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Pinagmulta rin sila ng tig-P1 milyon.
Batay sa kaso, nahuli ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region noong Abril 10, 2026 sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City. Nasamsam sa operasyon ang 1,020.50 gramo ng shabu na may tinatayang halagang P6,939,400.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, ipinapakita ng mabilis na paghatol ang kahalagahan ng matibay na case build-up, pangangalaga sa ebidensya, at koordinasyon ng mga awtoridad upang matiyak ang pagkakakulong ng mga lumalabag sa batas laban sa ilegal na droga.
- Latest























