Ratings ng Senado bumaba; Kamara, tumaas - OCTA survey
MANILA, Philippines — Batay sa resulta ng second quarter 2026 survey ng OCTA Research ay bumaba ang Trust at Satisfaction Ratings ng Senado, habang bahagyang tumaas naman ang public opinion sa Kamara
Sa survey, bumaba mula 44% sa 41% ang tiwala ng publiko sa Senado, habang tumaas mula 24% sa 27% ang distrust.
Bumaba rin mula 42% sa 38% ang satisfaction sa performance ng Senado habang bahagyang tumaas naman mula 36% sa 38% ang tiwala sa House of Representatives, habang bumaba mula 33% sa 28% ang distrust.
Tumaas din mula 35% sa 37% ang satisfaction sa performance ng Kamara, habang bumaba mula 35% sa 32% ang dissatisfaction.
Sa kabuuan, 38% ng adult Filipinos ang may tiwala sa House, kumpara sa 28% na walang tiwala at 33% na undecided.
Tumaas ang satisfied performance ng House sa 37%, 32% ang dissatisfied at 31% ang undecided.
Ginawa ang survey noong July 4 hanggang 11, 2026 gamit ang face-to-face interviews ng 1,200 respondents edad 18 anyos pataas na may margin of error na ±3 % at a 95% confidence level ang survey.
Ayon sa OCTA Research, isinagawa ang second quarter 2026 TNM survey mula July 4 hanggang 11, kasabay ng pagbabago sa liderato ng Senado at pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte noong July 6.
- Latest



















