^

PSN Opinyon

Kalsada, ‘waiting shed’ ng kawalan ng pag-asa

Magmiron Tayo - Rowena del Prado - Pilipino Star Ngayon

Kapag huminto ang mga sasakyan sa kahit saang kalye sa Metro Manila, may mga batang biglang magtatayuan, lalapit sa bintana, at mamamalimos. Ang ilan ay may hawak na sanggol, ang iba’y nag-aalok ng basahan o simpleng serbisyo. Sa gilid ng mga kalsada, makikita ang mga barung-barong na tila ba nakadikit na sa mismong highway—doon sila naliligo, nagluluto, natutulog.

Delikado. Hindi lang para sa mga bata, kundi para sa lahat ng motorista. Isang maling hakbang, isang mabilis na paglusot ay maaaring mauwi sa trahedya. Ngunit higit pa sa panganib, mas mabigat ang tanong na paano tayo nakarating sa puntong ang kalsada mismo ang naging tahanan ng mga bata?

May responsibilidad ang gobyerno na magpatupad ng programang pangkabuhayan, pabahay, at proteksyon sa mga bata. Pero hindi ba’t may mabigat ding pananagutan ang mga magulang? Marami ang tila inasa na lang sa gobyerno ang lahat ng pangangailangan. Sa halip na magbanat ng buto, umaasa sa paayuda, at hinahayaan na ang kanilang mga anak ay lumaki sa gitna ng usok. Ang resulta: mga batang lansangan na lumalaki sa kultura ng kawalan ng disiplina at pag-asa sa limos.

Ang bawat batang namamalimos ay salamin ng kabiguan ng pamilya, ng komunidad, at ng pamahalaan na bigyan sila ng ligtas at makataong kinabukasan.

Hindi sapat ang pagtaboy o pag-aresto. Hindi rin solusyon ang pagbibigay ng barya sa bawat humihingi. Ang kailangan ay masinsinang programa - edukasyon, tirahan, at tulong sa mga magulang upang hindi na ­lansangan ang maging playground ng kanilang mga anak.

Hanggang kailan kaya magiging “waiting shed” ng kawalan ng pag-asa ang mga kalsada, habang ang mga batang lansangan ay patuloy na lumalaki sa gitna ng panganib.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with