^

Punto Mo

Himala: Doktor, niligtas ni St. Charbel sa aksidente! (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KARUGTONG ng salaysay ni Dr. Boutros Youssef Semaan, isang anesthesiologist at ngayon ay naninirahan sa Pau, France. Nagmula siya sa Zan, Lebanon, may-asawa at dalawang anak. Ikinuwento niya kung paano siya himalang nakaligtas sa car accident sa pamamagitan ni St. Charbel. Si Dr. Boutross ay deboto ni St. Charbel. Kapag nagbabakasyon sila sa Lebanon, hindi sila pumapalya sa pagdalaw sa monastery ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon. Sa monastery nakalibing si St. Charbel.

Narito ang mga pangyayari sa car accident batay sa salaysay ni Dr. Boutross:

“Noong Hulyo 7, 2023, dakong 6:30 ng gabi, habang nagmamaneho ako pauwi mula sa aking clinic, isang malakas na bagyo ang tumama sa siyudad ng Pau.

“Halos hindi ko makita ang dinaraanan. Zero visibility na. Nakita ko ang mga natutumbang punongkahoy, poste at iba pang istruktura. Pero pinilit ko pa ring magmaneho para makarating sa bahay. May kalayuan pa ang aming tirahan.

“Nang biglang dalawang malaking puno ang natumba at bumagsak mismo sa aking kotse. Tinamaan ako at hindi makagalaw. Nagkaroon ng fructures ang aking leeg, braso at dibdib.

“Gusto kong sumigaw at humingi ng tulong pero walang tinig na lu­malabas sa aking bibig. Patuloy naman ang malakas na hangin at ulan. Kapag walang sumaklolo sa akin, maari akong mamatay.

“Sa loob ng aking kotse ay may larawan ako ni St. Charbel. Humingi ako ng tulong sa kanya. Biglang nagpakita sa akin si St. Charbel. Nasa tabi ko siya at nagsalita: ‘Huwag kang matakot, kasama mo ako. Paparating na ang ambulansiya para iligtas ka!’ (Itutuloy)

DOCTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with