Opisina Vice Mayor Chi Atienza, nasunog

Saksakan ng ref nag-spark
MANILA, Philippines — Isang sunog ang sumiklab sa tanggapan ni Manila Vice Mayor Chi Atienza na matatagpuan sa ikalawang palapag ng gusali ng Manila City Hall, sa Ermita, Manila kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-5:38 ng madaling araw nang ideklarang nasa unang alarma ang sunog at naideklara naman itong fire out dakong alas-6:21 ng umaga.
Ayon kay Atienza, kinumpirma sa kanya ng mga tauhan ng Bureauf of Fire Protection (BFP) na sa refrigerator na nakasaksak sa pantry ng kanyang tanggapan nagsimula ang apoy. Dahil dito, hindi muna nakapagbukas ng opisina ang OVM dahil kailangan muna nilang hintayin ang clearance ng BFP.
Laking pasalamat naman ni Atienza na walang nasaktan o nasawi nang mangyari ang sunog.
Wala rin umanong mahahalagang dokumento na natupok sa insidente.
- Latest





















