House panel, mabilis na naipasa ang P10.1 bilyong budget ng Pangulo

MANILA, Philippines — Wala pang isang oras ay agad na inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang P10.1 bilyong panukalang badyet ng Office of the President (OP) para sa taong 2027.
Ito’y alinsunod sa parliamentary courtesy ng Kamara sa tanggapan ng Punong ehekutibo na co-equal na sangay ng pamahalaan.
Sa presentasyon ni executive Secretary Ralph Recto, sinabi nito na ang P10,156.000.000 bilyong panukalang pondo ng OP ay 64% na mas mababa kumpara sa taong kasalukuyan.
Sa botong 56 pabor at lima ang tumutol ay ganap na pinagtibay ng House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep. Mikaela Angela Suansing ang panukalang pondo ng tanggapan ng ehekutibo.
Ilang mambabatas naman kabilang si ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang nais sanang magtanong hinggil sa ilang isyu pero hindi na ito napahintulutan habang nakatakda namang isalang sa plenaryo ng Kamara ang panukalang pondo ng OP.
Matapos ang presentasyon ni Recto ay nagmosyon si Minority Leader Marcelino Libanan ng 4P’s Partylist na bigyan ng parliamentary courtesy ang OP para tapusin na ang interpelasyon na senegundahan naman ni Rep. Ferdinand Hernandez.
- Latest
















