^

Punto Mo

Himala: Doctor, niligtas ni St. Charbel sa aksidente! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

AKO si Dr. Boutros Youssef Semaan, isang anesthesiologist at nagmula sa Zan, Lebanon. Ipinanganak ako noong 1957. Mayroon akong asawa si Eleanore at mayroon kaming dalawang anak.

Kasalukuyan kaming expatriate sa Pau, France.

Maayos ang aming pamumuhay dito sa France. Maligaya ang aking pamilya. Wala na akong mahihiling? pa sa Diyos. Mga Katoliko kami. Ipinagmamalaki kong relihiyoso ang aming pamilya.

Bagamat dito na kami naninirahan sa France, madalas pa rin kaming? umuuwi o nagbabakasyon sa Lebanon.

Sa aming pagbabakasyon ay hindi naming kinalilimutang puntahan ang monasteryo ni St. Charbel sa Annaya, Lebanon. Sa monasteryong iyon nakalibing ang mapaghimalang si St. Charbel.

Doon din sa monasteryong iyon siya nagninilay-nilay, nag-aayuno at naging ermitanyo sa kanyang buong buhay.

Sumasama kami sa prusisyon na ginaganap sa paligid ng monasteryo. Maraming tao ang sumasama.

Pagbalik namin sa France, marami kaming dalang pictures, prayer book at oil ni St. Charbel. Ang oil ay nakapagpapagaling at marami nang nakapagpatunay.

Sa aking sasakyan, mayroon akong nakadispley na picture ni St. Charbel. Hindi ko inaalis ang larawan ni St. Charbel.

Noong Hulyo 7, 2023, habang nagmamaneho, isang aksidente ang nangyari sa akin na muntik ko nang ikamatay.

(Itutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with