^

Probinsiya

Bangka lumubog: Kapitan, 7 crew nasagip

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Masuwerteng nakaligtas ang isang kapitan at pito pang crew nang lumubog ang kanilang sinasakyang bangkang de motor matapos na balyahin ng dambuhalang mga alon sa gitna ng karagatan sa sakop ng Looc, Romblon, kamakalawa.

Sa ulat na ipinarating ng Coast Guard Sub-Station Looc at ng Looc Municipal Police Station sa Romblon, habang naglalayag at pabalik na ang mga crew at kapitan ng nasabing bangka sa kanilang Landing Craft Tank (LCT) PMI 3 nang hambalusin sila malakas na hangin at binalya bunsod upang pasukin ang bangka ng tubig hanggang sa lumubog.

Bunga nito ay sinikap ng mga crew at ng kanilang kapitan na lumangoy patungo sa dalampasigan sa Brgy. Punta, Looc kung saan agad naman silang dinaluhan ng mga opisyal ng Barangay at dinala sa Punta Evacuation Center.

Kinabukasan na narekober ang bangkang de motor na MBCA John Michael na nagtamo ng pinsala sa insidente.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with