^

Police Metro

Higit 9K silid-aralan, winasak ng habagat

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa 9,800 silid-aralan ang nawasak bunsod ng habagat na pinalakas ng sunud-sunod na bagyong tumama sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

Batay sa pinakahuling situation report na inisyu ng Department of Education (DepEd) nabatid na hanggang 8:00 ng umaga nitong Linggo, kabuuang 9,869 ang napinsalang paaralan sa bansa.

Sa naturang bilang, 5,731 silid-aralan ang nagtamo ng minor damage; 2,055 naman ang nagtamo ng major damage, at 2,083 naman ang totally da­maged.

Ayon sa DepEd, ang Central Luzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga apektadong paaralan na nasa 3,732 silid-aralan; na sinundan ng Region I na nasa 2,746 at Cordillera Administrative Region (CAR) na nasa 1,266.

Sa pagtaya ng DepEd, aabot sa P280 milyon ang pondong kakailanganin nila para sa pagsasagawa ng minor repairs; P1 bilyon para sa major repairs, at P5.2 bilyon naman para sa rekonstruksiyon ng mga apektadong paaralan.

Nabatid na mayroon 59 paaralan ang nakaranas ng mga pagbaha kabilang ang 47 na matatagpuan sa Central Luzon.

Nasa 1,309 silid-aralan naman mula sa 348 paaralan ang patuloy pa ring ginagamit bilang evacuation centers ng nasa 11,320 pamilya.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with