^

Metro

SUV na may government markings ipina-impound ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Dumaan sa EDSA busway

MANILA, Philippines — Ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-impound sa isang SUV na may government enforcement markings matapos umanong gumamit ng plaka na hindi tugma sa rehistradong sasakyan at makitang dumaan sa EDSA Busway.

Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, inatasan din ang driver ng SUV na isuko ang kanyang lisensya habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente. Ina­larma na rin ang naturang sasakyan.

Pinapaharap ng LTO ang may-ari at driver ng sasakyan sa Intelligence and Investigation Division ng LTO Central Office sa Setyembre 4, 2026 upang magsumite ng paliwanag at mga dokumentong may kaugnayan sa sasakyan.

Hihingan ng ahensiya ng paliwanag ang driver kaugnay ng posibleng paglabag sa paggamit ng maling plaka, paglabag sa traffic signs, at iba pang paglabag na maaaring magresulta sa suspensyon o pagbawi ng lisensya.

Binigyang-diin ni Lacanilao na walang sinuman, kabilang ang mga gumagamit ng sasak­yang may government markings, ang maaa­ring lumabag sa batas trapiko. Patuloy umanong pananagutin ng LTO ang sinumang mapatutuna­yang lumabag sa mga regulasyon sa kalsada.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with