^

Metro

Navotas ipinatupad mas mahigpit na cybersecurity

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Navotas ipinatupad mas mahigpit na cybersecurity
Sa pahayag ng Navotas LGU, isinasagawa pa ang beripikasyon sa naturang impormasyon habang agad namang inilunsad ang mga hakbang upang mapanati­ling ligtas ang mga digital system ng lungsod.
STAR / File

Dahil sa banta

MANILA, Philippines — Nagpatupad ng mas mahigpit na cybersecurity measures ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa posibleng banta na maaaring makaapekto sa mga sistema nito.

Sa pahayag ng Navotas LGU, isinasagawa pa ang beripikasyon sa naturang impormasyon habang agad namang inilunsad ang mga hakbang upang mapanati­ling ligtas ang mga digital system ng lungsod.

Patuloy ring mino-monitor ng cybersecurity team ng Navotas ang mga system upang matiyak na walang paglabag o hindi awtorisadong pag-access sa mga datos.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na pa­ngunahing prayoridad nito ang pangangalaga sa impormasyon ng lungsod, lalo na ang personal na datos ng mga residente.

Hindi pa ibinunyag ng Navotas ang detalye ng posibleng banta o kung may naapektuhang system at datos. Tiniyak naman nitong maglalabas lamang ng opisyal na impormasyon matapos ang masusing beripikasyon.

CYBERSECURITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with