^

Police Metro

Luzon nalubog sa baha, 117 lugar nasa state of calamity

Doris Franche-Borja, Joy Cantos, Omar Padilla - Pang-masa
Luzon nalubog sa baha, 117 lugar nasa state of calamity
Local police personnel help residents evacuate in Barangay Rosete, San Felipe, Zambales on Aug. 9, 2026 as floodwaters continue to rise in the area.
San Felipe Philippine National Police

MANILA, Philippines — Muling pinalubog ng Habagat  o Southweast Moonson ang Luzon matapos na maitala ang malalaking pagbaha sa Metro Manila at iba’t ibang lalawigan nitong Sabado ng umaga.

Sa Metro Manila, kabilang sa mga lugar na nagmistulang “water world” o “swimming pool” ay R. Papa sa Maynila;  Sto. Domingo, NS.  Amoranto, Don Jose Sts. sa Quezon City; Brgy. Maysilo  at Brgy. Paghulo sa Malabon; Brgy. Bagbaguin,  Valenzuela City at Gen. Luis, North Caloocan.

Sa ulat naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apektado rin ang mga ang buong lalawigan ng Benguet, Bataan, Bulacan, Pampanga, Zambales at Cavite. Kasama rin ang Dagupan City, Santa Barbara, Mangaldan, Bugallon at Mangatarem sa Pangasinan, gayundin ang Rodriguez o Montalban sa Rizal

Nabatid na sa Zambales, nasa  719 na residente na ang nasa eva­cuation centers dahil sa malawakang pagbaha sa mga mabababang lugar sa Cabagan, Zambales. Kalahati sa bilang ng mga evacuees ay mula sa Barangay Mabanglit, kung saan 180 na pamilya o 518 na indibidwal ang napilitang lumikas mula sa kanilang mga tahanan.

Naghahanda rin ang mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga sa posibilidad ng paglala ng pagbaha dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat at pagtaas ng tubig-dagat.

Sa Bulacan, anim na bayan ang nananatiling lubog sa baha, kabilang ang Hagonoy, Calumpit, Balagtas, at Paombong, ayon sa Provincial Di­saster Risk Reduction and Management Office.

Samantala, umabot na sa 117 lugar sa Luzon ang nagdeklara ng state of calamity dahil sa epekto ng Bagyong Luis, Maymay, Neneng at Southwest Monsoon o Habagat. Kabilang dito ang anim na munisipa­lidad at isang lungsod sa Pangasinan, ayon sa ulat ng Provincial Di­saster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) at sa Nasugbu, Batangas, at Sablayan, Paluan at Abra de Ilog sa Occidental Mindoro.

HABAGAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with