5 pulitiko, kinilala sa video na sangkot sa jueteng sa Albay!
MAY umiikot na video kung saan ipinapaliwanag ang kalakaran ng jueteng sa Albay at ang mga pulitiko at bigtime contractors na nasa likod nito. Ewan ko kung bakit napunta itong video mga kosa sa messenger ko na tinawag nilang Part 2. Napansin ko na ang Part 1 pala ay ang expose’ ni Kap Nemo na ang jueteng sa Albay ay nagsimula pa noong Enero. Mukhang mahaba pa ang labanan ng jueteng sa Albay, at ewan ko lang kung ano ang reaction dito ni Gov. Noel Rosal. Kung sabagay, kahit may baha sa ilang lugar sa probinsiya dahil sa Habagat, tuloy lang naman ang palarong jueteng at walang ginagawa ang pulisya. Araguyyyyy! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sinabi sa narrative sa video na “Pumutok na ang bulok na sistema. Bistado na ang mga taong diumano’y nasa likod ng payola sa Albay.” “Hindi na ito sabi-sabi o tsismis sa kanto. Pumutok na ang ebidensiya at mismong ang sistema ng illegal na sugal sa lalawigan. Naisiwalat na sa mga naglalabasang remittance slips at mismong pahayag ng self-confessed operator na si dating Kapitan na si Alvin Nimo. Unti-unting nabubuo ang puzzle sa likod ng malaking sindikato sa likod ng STL at jueteng dito sa Albay.” Purbidang yawaahhhhh! May flashback pa sa sinabi ni Kap Nemo sa prescon n’ya na ang jueteng sa Albay ay pinapatakbo ng dalawang pulitiko at dalawang bigtime contractors. Tsk tsk tsk! Sino kaya ang nasa likod nitong bagong kalat na Part 2 video? Baka ako na naman ang mapag-initan ng mga troll nito. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nakalagay pa sa video ang weekly obligation report ng jueteng, at ewan ko lang kung nakarating na ito sa kaalaman ni Gov. Rosal. Araguyyyyy! Binanggit din sa video kung sino ang utak sa pagpatakbo ng jueteng sa Albay, ang tagangasiwa sa jueteng at iba pang sugal, ang kontraktor na pulitiko din, ang kontrobersiyal na taga-center at ang isang probinsiyano. Bistado na pala ang kalakaran n’yo mga Sir’s! Maawa naman kayo?
Teka, teka! May tanong pa ang nag-narrative. “Nagkamali lang ba sa pag-endorso si Bishop Baylon? “O biktima lang din s’ya, tulad ng lahat ng mga Albayano na napaniwala at mabudol sa mabulaklak na pananalita.” T’yak may kasagutan d’yan si Gov. Rosal. Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Abangan!
- Latest




















