^

PSN Palaro

Eala vs Tjen sa home coming event sa Philippine Arena

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Eala vs Tjen sa home coming event sa Philippine Arena
Indonesian Janice Tjen
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Magpapakitang-gilas sina Alex Eala at Janice Tjen ng Indonesia bilang kauna-unahang indibidwal na atletang Pinoy sa Phi­lippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Disyembre 8.

“Kumusta, Pilipinas? I’m coming home,” anunsyo ni Eala kahapon matapos ang 6-3 pagkatalo sa Stars of the Open exhibition match kontra sa kaibigang si Iva Jovic ng USA bilang patikim sa sa inaabangang US Open simula sa Lunes sa Flushing Meadows, New York.

Iyon ang huling bahagi ng paghahanda ni Eala sa kanyang pagbabalik sa US Open matapos din ang debut sa mixed doubles kasama si world No. 4 Felix Auger-Aliassime ng Cana­da.

Sasa-lang si Eala, WTA No. 18, kontra sa hindi pa k­ila­lang qualifier sa US Open bilang No. 17 seed na siyang pinakamataas na see­ding ng kahit sinong Pinoy player sa anumang Grand Slam main draw.

Pagkatapos noon, nag-aabang ang kasaysayan kay Eala na inaasahang uukit ng sarili niyang rekord sa 55,000-sea­ter na Philippine Arena na si­yang pinakamalaking indoor arena sa buong mundo.

Wala pang individual sports sa Philippine Arena na madalas ay para sa local at international concerts lang tulad ng OPM acts na BINI at SB19 kasama ang foreign acts tulad nina Bruno Mars, Blackpink, Twice, U2, Coldplay, Olivia Rodrigo, Lany at Katy Perry.

Sa Sports, basketball na team sports pa lamang ang naidaos dito sa pa­ngunguna ng PBA at ng Gilas Pilipinas para sa FIBA.

Tampok dito ang Phi­lippine sports record na 54,589 fans ng PBA para sa Game 7 ng 2023 PBA Governors’ Cup sa pagitan ng Barangay Ginebra at guest team Bay Area.

Swak din ang 38,115 fans na nanood ng opening ng 2023 FIBA World Cup sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Dominican Republic para sa pinakamalaking FIBA World Cup game sa kasaysayan.

Matatandaang noong Enero ay naglaro si Eala sa kauna-unahang WTA125 event sa bansa na Philippine Women’s Open sa pinagandang Rizal Memorial Tennis Center sa Maynila bago ang panibagong kasaysayan sa Philippine Arena.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with