Paano hihingi ng tawad?
Dear Dr. Love,
Ako si Mandy. Mahirap pala para sa isang ama ang humingi ng tawad sa sariling anak. Nasabihan ko kasi ang anak kong lalaki na tamad dahil sa galit ko sa ilang bagay na hindi niya nagagawa. Alam kong mali ang paraan ko ng pagsasalita, pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang paghingi ng tawad.
Gusto kong ipaintindi sa kanya na hindi ko siya minamaliit. Nag-aalala lang ako bilang ama at gusto kong maging responsable siya sa buhay. Pero mula nang masabi ko iyon, naging tahimik siya at parang may distansiya na sa pagitan namin.
Dr. Love, paano ko ba siya lalapitan at hihingi ng tawad nang hindi niya isipin na nawawala ang awtoridad ko bilang ama?
Mandy
Dear Mandy,
Hindi kahinaan ang paghingi ng tawad sa anak. Sa halip, ipinapakita nitong maru-nong kang umamin kapag nagkamali.
Lapitan mo siya at mag-sorry nang walang pagdadahilan. Sabihin mong nagalit ka dahil nag-aalala ka sa kanyang kinabukasan, ngunit mali ang paraan ng pagsasalita mo.
Hindi kailangang mawala ang pagiging ama mo para lamang humingi ng tawad. Minsan, mas magandang halimbawa sa anak ang makita niyang marunong ding magpakumbaba ang kanyang ama.
Huwag mong ha-yaan ang pride na maging dahilan ng pag-
layo ng isang anak.
Minsan, ang sim-pleng “patawad, anak” ang susi para muling maging malapit ang mag-ama.
DR. LOVE
- Latest
















