^

Punto Mo

Mga pagkaing dulot ay ganda at kalusugan

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Mas mainam na huwag balatan ang mansanas bago kainin dahil mas marami pang sustansiya na makukuha sa balat.

Sa halip na pakuluan, pasingawan na lang ang broccoli. Nawawala ang sustansiya nito kung pakukuluan.

Mas mabuting  lutuin ang kakaining kamatis kaysa kainin ito nang hilaw. Lalong lumalabas ang lycopene kapag niluluto. Ang lycopene ay mainam sa puso.

Kapag nakakaramdam ng pagod, kumain ng saging.

Pampakinis ng kutis ang pipino.

Kumain ng salmon kapag nananakit ang mga kasu-kasuan.

Walnuts ang mainam kung nahihirapan kang mag-focus sa ginagawa o pagre-review.

Kainin ang mga sumusunod kung nahihirapan kang makatulog: salmon, pistachio, almonds­, brazil nuts, kasuy, tuna.

Ang dark chocolate ay mas mayaman sa iron at antioxidant kaysa spinach.

Ang egg yolk ay may vitamin D na importante sa bone health.

Kung oily ang skin, kumain lagi ng mansanas.

Kumain lagi ng papaya kung tinatagihawat.

Avocado ang kainin kung may psoriasis.

Kung dry ang skin, pakwan ang kainin.

Ang papaya ay may papain na nakakapagpatunaw ng pagkain at iniiwasan nitong maging butusin (bloating) ang tiyan.

Ang yogurt ay mayaman sa protina na may kasamang probiotic para manatilimg healthy ang bituka.

 

HEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with