^

Probinsiya

2 estudyante dedo, 11 sugatan sa banggaan

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
2 estudyante dedo, 11 sugatan sa banggaan
Sa paunang imbestigasyon, minamaneho ni Ronnie, 55, ang Isuzu wing van truck at bumibiyahe sa inner lane ng National Highway patungo sa Barangay Mahabang Parang nang mangyari ang aksidente dakong alas-12:52 ng tanghali.
Philstar/File

BATANGAS CITY, Philippines — Patay ang dalawang menor-de-edad habang sugatan naman ang 11 iba pa matapos umanong mawalan ng preno ang isang wing van truck at bumangga sa isang pampasaherong jeepney sa National Highway sa Barangay Concepcion, Batangas City nitong Miyerkules ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina “AAA” at “BBB,” mga estudyante, at residente ng Barangay Simlong, Batangas City.

Sugatan naman ang mga sakay ng jeepney na sina Paul, 43; Arlene, 54; Michelle, 45; Edna, 58; Aries, 55; Josie, 51; Jeraldine, 53; Engracia, 77; Damiana, 69; Richard, 32; at Dominador, 58, na siyang driver ng jeepney.

Sa paunang imbestigasyon, minamaneho ni Ronnie, 55, ang Isuzu wing van truck at bumibiyahe sa inner lane ng National Highway patungo sa Barangay Mahabang Parang nang mangyari ang aksidente dakong alas-12:52 ng tanghali.

Pagdating sa lugar, umano’y nawalan ng preno ang truck dahilan upang mawalan ng kontrol si Ronnie sa sasakyan.

Ayon sa pulisya, sinubukan ng driver na iwasan ang mga sasakyang nasa unahan na nakahinto upang magbigay-daan sa mga motoristang tumatawid sa kalsada. Umiwas umano sa kanan ang truck, ngunit tumama ang unahang bahagi nito sa kanang bahagi ng Isuzu jeepney na minamaneho ni Dominador.

Tumatawid noon ang jeepney sa highway at nasa entrance ramp na ng Eternal Gardens nang maganap ang banggaan. 

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with