^

PSN Opinyon

Sina Kiko at Loboito: dalawang naulilang hayop

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Natagpuang duguan ang batang giraffe sa tabi ng ilog. Bali ang binti nito. Tila nakagat at nakaalpas sa buwaya, pero naiwan ng mga magulang.

Agad dinala ang paslit na giraffe sa Kenya Wildlife Sanctuary. Ginamot ang sugat, binendahan ang binti. Binantayan ng veterinarians ang paghilom ng guya na pinangalanan nilang Kiko.

Bagamat malubha ang sugat, mabilis ito naghilom. Pero napansin ng vets na mahina kumain ang guyang giraffe. May sugat siya sa emosyon dahil sa pagka-ulila.

‘Di nagtagal may dinala sa sanctuary na isa pang “rescued”. Isa itong sanggol na elepante. Natagpuang gutom at gagala-gala di kalayuan sa mga magulang na binaril ng poachers at pinutulan ng ivory tusks.

Dinala ang elepante sa katabing koral ni Kiko. Bukod sa pagkain, binibigyan siya ng gatas at bitamina. Pero may na­­pansin ang vets: malungkot ang elepante dahil din sa pag­ka-ulila.

Samantala, gumaling na ang nabaling binti ni Kiko. Luma­lakad na siya patungo sa koral ng sanggol na elepanteng pinangalanang Loboito.

Gemini Photo

Araw-araw tahimik na nilalapitan ni Kiko si Loboito. Bakod­ na screen lang ang pagitan nila. Kung minsan nakatayo lang silang nagtitinginan. Kung minsan parehong nakahiga sa mag­kabilang panig. Kung minsan nanonood lang sa ginagawa ng mga sanctuary workers.

Pinasya ng vets pagsamahin na ang dalawa. Nagalak sila nang mapansing malimit dumikit si Loboito at tila kina­ka­usap ni Kiko.

Dumating ang makasaysayang araw. Maari na si Kiko pakawalan sa malawak na sanctuary. Binuksan ng vets ang gate para lumabas at tumakbo ito. Nagulat lalo sila nang sumama si Loboito sa kaibigan.

Hanggang ngayon naroon sila, dalawang ulila na nakahanap ng saya sa isa’t isa. Araw-araw sabay kumakain ng dahon at damo. Araw-araw naglalaro.

ANIMAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with