^

Punto Mo

Himala ng Birhen ng Lourdes: Babaing lumpo, muling nakalakad! (Last Part)

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

PINAG-ARALANG mabuti ng Lourdes Medical Bureau ang mahimalang paggaling ni Antonietta Raco makaraang lumusong sa pool ng Our Lady of Lourdes sa France. Nakalakad na muli si Antonietta makaraan ang maraming taon na nasa wheelchair. Siya ay mayroong Primary Lateral Sclerosis (PLS), at ayon sa mga doktor, wala na itong pag-asa pang gumaling.

Subalit malaki ang paniniwala ni Antonietta na tutulungan siya ng Mahal na Birhen ng Lourdes, kaya kasama ang pamilya at isang grupo mula Italy, nagtungo sila sa Lourdes, France, bilang pilgrims.

Nang lumusong si Antonietta sa pool ng Mahal na Birhen, nakadama siya nang kakaibang init at kapayapaan ng kalooban.

Pero ang hindi maipaliwanag at labis na pinagtataka ni Antoinetta ay nang makarinig siya nang mga tinig. “Huwag kang matakot! Huwag kang matakot! Huwag kang matakot!”

Tatlong beses narinig ni Antoinetta ang mga tinig.

At ang kasunod niyon ay ang pagkakaroon ng lakas ng kanyang mga paa. Hanggang sa tuluyan na siyang makalakad. Hindi na siya gumamit ng wheelchair.

Noong Abril 16, 2025, ipinroklama ng Sanctuary of Our Lady of Lourdes na ang nangyaring himala kay Antoinetta Raco ay ika-72 at inihayag ito ni Mgr Vincenzo Carmine Orofino, Bishop of the Diocese of Tursi-Lagonegro (Province of MATERA), Italy.

Sa kasalukuyan, masayang namumuhay si Antoinetta Raco sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay.

Walang hanggan ang pasasalamat niya sa Mahal na Birhen ng Lourdes. Hindi niya malilimutan habang siya ay nabubuhay.

MIRACLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with