Gilas handa na sa FIBA WC Qualifiers
MANILA, Philippines — Handang handa na ang Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers second round na lalarga sa Agosto 28 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sumailalim ang Gilas Pilipinas sa pukpukang ensayo kasama ang dalawang scrimmages.
Nagtuos ang Gilas Team 1 na FIBA World Cup team at ang Gilas Pilipinas Team 2 na sasabak sa Asian Games sa Japan.
Nanalo ang Gilas Asian Games team sa kanilang unang paghaharap bago nakabawi ang Gilas FIBA World Cup Qualifiers team sa ikalawang laro.
Masaya si Cone sa ipinamalas ng dalawang teams na nagtutulungan upang mapalakas ang kani-kanyang tropa para sa magkaibang events.
“Both teams did a great job of helping each other get ready,” ani Cone.
Bumubuo ng bagong game plan si Cone dahil hindi maglalaro si naturalized player Justin Brownlee na kasalukuyang nagpapagaling sa injury.
Kaya naman sesentro ang game plan nito sa local players sa pangunguna ni Kai Sotto.
Magiging malaki rin ang papel ni slotman June Mar Fajardo sa dalawang laban ng Gilas kontra sa Jordan at Iran.
Magreretiro na sana si Fajardo matapos ang laban ng Gilas kontra sa Australia sa nakalipas na window ng qualifiers.
Subalit nagpasya ito na ipagpaliban muna ito upang makasama ang Gilas sa second round.
“After the last window, after the Australia game, he gave a long speech in the locker room about how he was going to retire from Gilas similar to what Japeth did previously the year before,” ani Cone.
- Latest



















