Pag-ban sa Facebook, huling opsyon

MANILA, Philippines — Nilinaw ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na huling opsyon lamang ang pagbabawal sa Facebook, sa gitna ng pangamba na may kaugnayan ito sa sunud-sunod na karahasan sa mga eskuwelahan at online abuse.
Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, gagawin ng gobyerno ang lahat ng paraan upang hikayatin ang mga platform na sumunod sa mga kahilingan na naglalayong protektahan ang mga Pilipinong gumagamit, lalo na ang kabataan.
“Yung blocking po, trabaho ko po na siguraduhin na dapat last resort yan. Gagawin at gagawin namin ang pwede naming gawin para mag-comply ang Meta,” ani Aguda.
Binanggit ni Aguda na naging epektibo ang pakikipag-ugnayan nila sa TikTok kaya’t hindi nagkaroon ng malaking problema sa platform.
Samantala, dalawang pangunahing isyu ang nakikita ng DICT sa Meta. Una ay ang identity verification na kailangan upang matulungan ang mga awtoridad na matukoy ang mga gumagamit ng fake o troll accounts na nang-aabuso online, at ang mabilis na pagtanggal ng harmful content partikular na ang mga nakakaalarmang livestream gaya ng shooting incidents.
- Latest



















