^

Bansa

Sen. Raffy itinulak agarang ­pagsasabatas ng ‘Bagong Balikbayan Act’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Senate Committee on Migrant Workers Chairperson Sen. Raffy Tulfo ang kanyang mga kasamahan na suportahan ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 2423 o Bagong Balikbayan Act, na layong magtatag ng komprehensibong programa para sa reintegration ng mga OFWs na umuuwi sa bansa.

Sa kanyang sponsorship speech, binigyang-diin ni Tulfo na bagama’t may umiiral nang reintegration program sa ilalim ng Republic Act No. 11641 na ipinatutupad ng DMW at OWWA, nananatiling watak-watak ang sistema at marami pa ring kakulangan.

“Today, our National Reintegration Network merely acts like an ‘emergency room’ rather than a recovery center. Marami pa ring nagbabalik na OFWs ang nauubos ang savings dahil sa maling investments at mapanlinlang na business deals,” ani Tulfo.

Binanggit din niya ang mga OFWs na, sa kabila ng mataas na posisyon at kasanayan sa abroad, pagdating dito ay nauuwi sa jobless o underemployed status dahil sa maling job matching, at ang iba’y may psychological trauma kaya hindi na makapagtrabaho.

Kabilang sa mahahalagang probisyon ng SB No. 2423 ang pagsisimula ng proseso ng reintegration anim na buwan bago ang aktuwal na pag-uwi ng OFW. Kinikilala rin nito ang apat na pangunahing landas para sa reintegration: kaalaman, kalinga, negosyo at hanapbuhay.

Giit ng senador, sa harap ng tumitinding regional conflicts at emergency repatriations, hindi sapat ang pansamantalang ayuda gaya ng cash dole-out at food packs.

RAFFY TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with