^

Bansa

Romualdez: Huwag isantabi ang pagbawi ng testimonya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan si dating Speaker Martin Romualdez sa Office of the Ombudsman na huwag balewalain ang pagbawi ng mga testigo laban sa kanya, dahil mahalaga umano ito sa paghawak, paglilitis, at pagdedesisyon sa kaso.

Ayon sa kinatawan ng Leyte 1st District, ang pagsusuri sa ebidensya at testimonya ng mga testigo—kabilang ang kanilang pagbaligtad—ay dapat isaalang-alang at hindi basta isantabi.

Noong Agosto 20, naghain ang kampo ni Romualdez ng 16-pahinang supplemental affidavit ex abundanti ad cautelam sa Ombudsman. Kalakip nito ang testimonya ng 25 dating security escorts ni dating AKO Bicol Rep. Zaldy Co na pinabulaanan ang umano’y pag-deliver nila ng male-maletang pera kay Romualdez kaugnay ng kickbacks sa flood control projects.

Giit ni Romualdez, wala pang pormal na paglilitis, wala pang testimonya na naibabahagi sa korte, at wala pang hatol o conviction. Kaya’t ang supplemental affidavit ay bahagi lamang ng preliminary investigation bago magpasya ang Ombudsman kung katanggap-tanggap, kredible, at sapat ang ebidensya para suportahan ang kaso.

Sa panayam kamakailan, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na balewala sa kanilang tanggapan ang pagbawi ng mga testigo at mayroon pa silang hawak na ebidensya laban kay Romualdez.

MARTIN ROMUALDEZ

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with