Himala ng Birhen ng Lourdes: Babaing lumpo, muling nakalakad! (part 1)
NOONG 2009, nagtungo sa Lourdes, France si Antonietta Raco, 67, bilang pilgrim. Mahalaga ang pagtungo niya sa Lourdes – para gumaling sa kanyang sakit. Hindi siya makalakad at nakadepende na sa wheelchair. Ayon sa mga doktor, mayroong Primary Lateral Sclerosis (PLS), si Antonietta at wala nang pag-asa pang gumaling.
Subalit malaki ang paniniwala ni Antonietta na tutulungan siya ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Malakas ang paniniwala niya na gagaling siya sa tulong at awa ng Mahal na Birhen.
At sa pagtungo niya sa Lourdes, France, nagkaroon ng katuparan ang kanyang mga kahilingan. Gumaling si Antonietta. Ang kanyang paggaling ay naitala na pang-72 sa himala ng Mahal na Birhen ng Lourdes.
Ayon kay Antonietta, nang siya ay nasa pools, isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang naganap. Nakaramdam siya nang hindi maipaliwanag na kapayapaan at init.
Hanggang sa makarinig siya ng tinig ng babae:
“Huwag kang matakot! Huwag kang matakot! Huwag kang matakot!” (Itutuloy)
- Latest



















