Sekyu nang-hostage ng kabaro, menor-de-edad
Hindi pinasuweldo ng 4 na araw
MANILA, Philippines — Isang security guard ang nang-hostage ng kanyang kapwa security guard at menor-de-edad matapos na hindi pasuwelduhin ng kanyang security agency nitong Sabado sa Caloocan City.
Alas-7:50 ng umaga nitong Sabado nang i-hostage ng security guard na si Ernie Moquet 47, ang kanyang kabaro na si Ervin Jake Manases, 45 at 13-anyos na estudyante sa Block 10, Barangay 28, Caloocan City.
Lumilitaw na na-depress ang suspek dahil apat na araw na itong hindi pinapasahod ng agency, straight na duty, kulang sa tulog at pagkain.
Hiling ng suspek na makauwi ng Iloilo kaya nag-demand ito ng P9,500 pamasahe.
Sumuko rin ang suspek nang maibigay ang kanyang demand.
Mahaharap ang suspek sa kasong kidnapping at serious illegal detention.
- Latest




















