18 katao timbog sa anti-cybercrime operations ng PNP

MANILA, Philippines — Arestado ang 18 katao at 49 kaso ang isinampa ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP ACG) sa serye ng operasyon laban sa cybercrime sa buong bansa mula Agosto 7 hanggang 13.
Ayon sa PNP, pito sa mga naaresto ay nahuli sa bisa ng mga warrant of arrest, habang 11 naman ang naaresto sa entrapment operations na isinagawa ng mga operating unit at regional team ng PNP ACG.
Sinabi ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ipinapakita ng resulta ang pangagailangang patuloy na palakasin ng pulisya ang kakayahan nitong tugunan ang mga krimeng nagaganap sa digital space.
Bahagi ang mga operasyon ng Focused Agenda ng PNP, partikular ang Enhanced Managing Police Operations program, na naglalayong palakasin ang intelligence-driven na pagtugon sa mga bagong banta, kabilang ang cybercrime.
Hinikayat naman ng PNP ACG ang publiko na maging maingat sa online transactions, tiyaking tama ang impormasyong nakukuha bago ito ibahagi o aksyunan, at agad i-report sa awtoridad ang anumang pinaghihinalaang cybercrime.
- Latest
















