^

Probinsiya

AdZU magpapatupad ng inspeksyon sa mga behikulo, ID checks

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
AdZU magpapatupad ng inspeksyon sa mga behikulo, ID checks
Philippine police gather at a school following a shooting in Zamboanga on Aug. 18, 2026.
AFP / Roel Parreno

MANILA, Philippines — Simula ngayong  Lunes (Agosto 24), magpapatupad ang Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ng inspeksiyon sa mga behikulo sa entry at exit points ng campus habang mahigpit na susuriin ang identification cards (IDs) ng mga estudyante, guro at ­maging ang mga bisita na papasok sa campus.

Ito ang inihayag kahapon sa kaniyang social media live ni Fr. Ernald Andal SJ, President ng ADZU.

Ang hakbang ay kasunod ng pamamaril noong nakalipas na Martes sa AdZU Junior High School campus ng Grade 9 student na si Mohammad Mael Jalandi, anak ng nasibak na hepe ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City na ikinasawi ng Grade 10 na si Patrick­ Dylan Wee noong Agosto 18 habang 2 pang estudyante ang nasugatan.

Sinabi ni Andal ang paghihigpit ng seguridad ay matapos na mag-convene ang ADZU Board of Trustees at nagsagawa ng emergency meeting­ para magamit ang mga kinakailangang resources.

Samantala, magdaragdag din ng mga CCTV sa mga hallways ng paaralan at maging sa mga klasrum habang gagamit ng metal detector at Xray machine sa mga pedestrian gates.

Ayon kay Andal maghihigpit din sila sa mga bisita sa AdZU, at mahigpit na imo-monitor ang lahat ng entry at exit points.

Inianunsyo rin ni Andal na wala munang regular na academic classes sa Grade School at Junior High School mula Agosto 24-28, 2026. Ang mga estud­yante ay magpapartisipa sa non-academic activities sa pamamagitan ng alternative learing arrangements simula ­Setyembre 1-4.

Samantala, ang mga senior high school, faculty at staff ay mag­hahanda na para sa Agosto 24 na klase habang magkakaroon din ng online meeting sa mga magulang, guro at guardians sa darating na Martes.

ADZU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with