^

Probinsiya

Estudyante nahulihan ng .357 magnum sa iskul

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Estudyante nahulihan ng .357 magnum sa iskul
The map shows Cebu City.
Google Map

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 14-anyos na estudyante nang mahulihan ng baril sa loob ng kanyang bag sa Lut-od National High School sa Pinamungajan, Cebu nitong Huwebes ng hapon August 20.

Ayon kay PCol. Abubakar Mangelen, director ng Cebu Police Provincial Office, nadiskubre ng isang guro na nagsasagawa ng inspeksyon sa gamit ng mga mag-aaral ang isang .357 magnum revolver na walang bala sa bag ng estudyante.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ang armas ay pag-aari ng lolo ng mag-aaral at ito ay nakatago sa cabinet at dito’y kinuha ng bata at saka dinala sa paaralan.

Ang mag-aaral ay nakatira sa kanyang lolo dahil nagtatrabaho sa malayong lugar ang mga magulang nito. Siya ay dinala na sa Municipal Social Welfare and Development Office.

Ang nakumpiskang baril ay nasa panga­ngalaga na ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

ARESTADO

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with