^

Metro

4 magkakapamilya natusta sa sunog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
4 magkakapamilya natusta sa sunog
Unang narekober ang magkayakap ang 3-taong gulang na bata at ang lola nito at isang lolo, habang pinakahuling natagpuang nakasubsob ang tiyahin na nasa 50’s ang edad, sa comfort room.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawang senior citizen, ang kanilang apo at isang tiyahin ang nasawi sa isang sunog na naganap sa isang residential area sa Tengco St. Brgy 107, Pasay City nitong Biyernes ng hapon.

Unang narekober ang magkayakap ang 3-taong gulang na bata at ang lola nito at isang lolo, habang pinakahuling natagpuang nakasubsob ang tiyahin na nasa 50’s ang edad, sa comfort room.

Pinaniniwalaang na-trap ang mga biktima na diumano’y nasa loob ng dalawang palapag na bahay na yari sa kahoy, na bumagsak na ang mga bahagi kabilang ang kisame at bubong kaya nadaganan pa ang mga biktima.

Hinukay muna ang mga nakadagan na sunog na mga kahoy kung saan natagpuan ang mga katawan.

Sugatan naman ang dalawang lalaki na nahiwa ang kamay ng bubong na yero, isang babae ang nagtamo ng matinding lapnos sa malaking bahagi ng katawan, at isa pang babae ang nasugatan sa tuhod.

Makikita rin ang pagbitbit ng mga bumberong volunteers at miyembro ng BFP ng mga alagang aso.

Batay sa ulat, ala-1:35 ng hapon ng Biyernes, Agosto 21, na umakyat sa ikatlong alarma, idineklarang fire under control alas-3:45 ng hapon at fire-out pagsapit ng 4:45 ng hapon.

Tinatayang nasa 30 pamilya ang apektado ng sunog, habang nadilaan din umano ng apoy  ang ilang kabahayan sa katabing Barangay 106.

Naging problema ang kakulangan ng tubig ng mga fire truck dahil sa pagkakasabay umano ng sunog sa Makati City, kaya’t nagbayanihan din ang mga residente sa pagbubukas ng kanilang mga gripo para malagyan ang mga truck ng bumbero.

Tinutukoy pa ng Arson investigator ang pinagmulan ng sunog at halaga ng mga napinsalang ari-arian, bagamat may nagsasabing sumabog na liquified petroleum gas (LPG) ang narinig bago ang sunog.

Samantala, ang sunog sa Barangay Poblacion, Makati City ay tumupok sa 2-palapag na bahay na idineklarang under control ala-1:42 ng hapon.

FIRE

PASAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with