^

Metro

HOA prexy niratrat sa opisina, todas!

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
HOA prexy niratrat sa opisina, todas!
Map of Caloocan.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang babaeng presidente ng Homeowners Association (HOA) habang sugatan naman ang treasurer nito nang pagbabarilin ng isa sa mga hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanilang opisina sa Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City nitong Huwebes ng hapon.

Tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dahilan ng agarang pagkasawi ng 51-anyos na biktima habang agad na dinala sa ospital ang sugatang treasurer.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police Station 9 alas-3:30 ng hapon nang pumasok sa barangay hall ang isa sa mga suspek habang abala ang mga biktima sa pangongolekta ng buwanang bayad sa lupa ng mga residente. Inakala umano ng mga nasa loob ng opisina na isa lamang itong residente na magbabayad ng amortization.

Hindi tinanggal ng suspek ang helmet at sa halip isinara lamang ang pinto ng opisina saka pinaputukan ang mga biktima. Bulagta ang mga biktima saka mabilis na tumakas ang mga suspek na sakay ng isang motorsiklo.

Ayon kay Yolly De Padua Misagal, VAWC Officer ng Barangay 171, hindi umano ito ang ­unang pagkakataon na nakatanggap ng ­banta ang nasawing HOA president. Taong 2020 nang pagbabarilin ang HOA president at nakaligtas. Dahil sa mga pagbabanta, pansamantala umanong nanirahan sa probinsiya ang biktima bago muling bumalik sa Caloocan City.

Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamilya ng nasawing HOA president.

Patuloy na tinutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at inaalam ang motibo sa pamamaril.

HOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with