^

Metro

Intsik kalaboso sa pananapak sa sekyu ng mall

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Intsik kalaboso sa pananapak sa sekyu ng mall
Nakapiit sa Pasay City Police Station ang isang 21-anyos na si alyas “Wen” habang inihahanda ng Investigation and Detective Management Section ang reklamong Physical Injuries at Malicious Mischief para sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi nakatakas sa mga security guard ng mall ang isang turistang Chinese national na nanapak ng kanilang kasamahan sa loob ng isang mall, sa Brgy. 76, Pasay City, Huwebes ng umaga.

Nakapiit sa Pasay City Police Station ang isang 21-anyos na si alyas “Wen” habang inihahanda ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) ang reklamong Physical Injuries at Malicious Mischief para sa inquest proceedings sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Sa imbestigasyon, dakong alas- 10:40 ng umaga noong Agosto 20, 2026, humingi ng tulong ang isang babaeng security guard sa biktima, isang 49-anyos na duty security guard, upang anyayahan ang suspek sa tanggapan ng Customer Relations Services (CRS) para sa beripikasyon ng pagkakakilanlan kaugnay ng isang naunang ulat ng pagnanakaw.

Habang nilalapitan ng biktima ang suspek malapit sa MOA Sky football field sa ika-4 na palapag, bigla na lamang sinuntok ng suspek sa mukha ang guwardiya na nagresulta sa bali ng ilong at basag din ang suot na salamin matapos tapak-tapakan.

Agad na hinabol at pinigilan ng iba pang security personnel bago ito itinurn-over sa mga rumespondeng tauhan ng Pasay CPS Sub-Station 10.

CRS

MOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with