^

Bansa

Ombudsman may 28 hawak na testigo vs Romualdez

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ipinahayag ng Office of the Ombudsman na mayroon pa itong 28 testigo na nakahandang magbigay ng direkta at materyal na impormasyon kaugnay ng pagkakadawit ni dating House Speaker Martin Romualdez sa umano’y anomalya sa flood control projects.

Ang pahayag ay inilabas matapos bawiin ni Orly Guteza, dating sundalo, ang kanyang naunang testimonya kung saan idiniin niya si Romualdez sa umano’y male-maletang pera.

“Hindi bago ang recantation sa mga high-profile case. Classic pressure tactic ito. Hindi umiikot ang buong imbestigasyon sa iisa o kahit sa iilang witnesses,” ayon sa Ombudsman.

Ayon sa abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo, magsusumite sila ng supplemental counter-affidavit kalakip ang sworn statements ng 25 dating drivers at security aides ni ex-Rep. Zaldy Co.

“They have come forward and directly contradicted the earlier accounts of the 18 Maleta Boys presented by Atty. Baligod,” ani Fajardo.

Giit ng mga bagong testigo, walang naganap na anumang delivery ng pera sa sinumang pulitiko o opisyal ng gobyerno, kabilang si Romualdez. Hinikayat lamang umano silang sumali sa grupo ng mga testigo kapalit ng pera.

Dagdag pa ni Fajardo, ang pagbawi ni Guteza ay patunay kung paano siya pinilit na idiin si Romualdez.

 

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with