^

Metro

7 KFR members hinatulan ng ‘life

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Pagdukot sa 78-anyos na babae

MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty at pinatawan ng reclusion perpetua o kulong na hanggang 40 taon ang pitong akusado sa kidnap for ransom sa isang 78-anyos na babae ng Regional Trial Court Branch 225, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes. 

Sinabi ng DOJ na ang pitong indibidwal na guilty bilang principal sa kaso ay pawang sangkot sa pagdukot at panghihingi ng ransom sa pamilya ng biktima noong Setyembre 2025. 

Bukod sa reclusion perpetua, inatasan din ng korte na magbayad ang bawat isa sa biktima ng civil indemnity, moral damages, at exemplary damages. 

Samantala, apat naman ang napawalang-sala matapos matukoy ng korte na hindi napatunayan ang kanilang pagkakasala beyond reasonable doubt.

Sa record ng DOJ, dinukot ang babae sa kahabaan ng Biak na Bato St. noong Setyembre 2, 2025, at dinala sa Baywalk Suites, Bacoor City, at sa Laurel, Batangas, upang hingan ng ransom ang kanyang pamilya. 

Humingi ang mga akusado ng P500 mil­yon, ngunit nabawasan ito sa P8.1 milyon matapos ang negosasyon.

Bagama’t nabayaran at naihatid ang ransom noong Set­yembre 7, 2025, sinabi ng DOJ na nanatili pa ring bihag ang biktima hanggang sa siya ay masagip noong Setyembre 11, 2025. 

DEPARTMENT OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with