^

Metro

Pamilya ni Enrique Manas, pinatututukan ang kaso sa DOJ

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

Patay sa ambush

MANILA, Philippines — Halos siyam na taon matapos ang 2017 ambush na ikinamatay ni Enrique Manas Sr. sa Sta. Nargarita, Samar, muling humingi ng tulong ang pamilya ng nasawi, kay acting Justice Secretary Fredderick Vida upang malaman ang status ng kaso. 

Enero 16, 2025, nang  iniutos ni noo’y Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagsasampa ng murder charges laban kina Emilio Zosa, Arturo Deborbon at Ricky Calagos, matapos ang siyam na taong imbestigasyon at review sa DOJ. Ang criminal information laban kay Zosa at mga kapwa akusado nito ay natanggap na ng regional trial court noong Marso 19, 2026. 

Ngunit naghain si Zosa ng motion for reconsideration sa DOJ, kung kaya’t muling nabinbin ang usapin. 

Humihingi ang pamilya Manas ng tulong kay Vida upang malaman kung ano na ang status ng motion ni Zosa at bigyan ng pagkakataon ang kanilang mga abogado na makita ito at mapag-aralan.

Ayon sa pamilya, ma­tagal nang sinuri ng doj ang kaso at umaasa sila na mananatili ang naunang desisyon ni remulla na isampa ang mga kaso laban sa mga akusado sa korte upang doon marinig at masuri ang ebidensya ng lahat ng panig.

 

ENRIQUE MANAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with