^

Probinsiya

21 estudyante ng AdZU dumaranas ng anxiety attack

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Suspensyon ng klase pinalawig ng 1-araw

MANILA, Philippines — Dumanaras ng anxiety attack ang 21 na estudyante ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) matapos ang pamamaril sa junior high school campus na ikinasawi ng dalawang mag-aaral kabilang ang shooter sa Brgy. Tumbaga, Zamboanga City noong Lunes.

Sa ulat ng Zamboanga City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), ang 21 estudyante na dumaranas ng anxiety attack makaraang nagtamo ng bahagyang sugat tulad ng mga galos sa katawan bunga ng insidente.

Dalawa sa mga estudyanteng nasugatan sa insidente ang patuloy na ginagamot sa ospital.

Magugunita na habang naka-Facebook live mula sa body worn camera, walang habas na namaril ang Grade 9 student na si Mohammad Mael Jalandi, anak ng nasibak na Bureau of Customs (BOC) chief sa Zamboanga City, na ikinasawi ng Grade 10 student na si Patrick Dylan Wee. Matapos ang pamamaril, nagbaril sa sarili si Jalandi.

Ang suspect ay may dalang isang rifle at isang pistola na ipinuslit umano nito sa sasakyan ng kaniyang ama.

Samantala, sa inilabas na memorandum, pinalawig pa ng AdZU ang kanilang class suspension nito hanggang ngayong Agosto 20 matapos ang naturang pamamaril.

ADZU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with