^

PSN Palaro

Yaoyao, 3 pa babandera sa Philippines sa Aichi-Nagoya Asiad

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Yaoyao, 3 pa babandera sa Philippines sa Aichi-Nagoya Asiad
Shagne Yaoyao of the Philippines
PSC-POC photo release

MANILA, Philippines — Nakatakdang pumad­yak ni Shagne Paula Yao­yao para banderahan ang Pilipinas sa magaganap na 20th Aichi-Nagoya Asian Games sa Japan na magsisimula sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Apat na beses nang nagkampeon sa mountain bike Cross Country ang 29 anyos na si Yaoyao kaya malaki ang tsansa nitong makasampa sa podium at makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Pang 135 puwesto sa mundo at kadalasan ay nasa top 10 sa mga sinasalihang international tournaments, makakasama ni Yaoyao, naghahangad na makaipon ng puntos para mag-qualify sa 2028 LA Olympics ang tatlong pambato ng Pilipinas.

Ito’y sina Patrick Bren Coo, Adel Pia Sendrijas at Asian Games gold medalist Daniel Patrick Caluag.

Kasalukuyang kam­peon si Yaoyao sa Asia MTB Series, pang pito lang sa pangkalahatan sa kanyang debut sa Asian Games noong 2023 sa Hangzhou.

Papalagan ni Sendrijas ang matitinding makakalaban sa Women’s Mountain Bike (MTB) ng kada-apat na taong multi-sport na kumpetisyon.

Nag-uwi ng silver me­dal sa nakaraang Natio­nals, ang 25 taong-gulang na si Sendrijas ang pa­ngalawang pinakamahusay na aktibong Filipina MTB rider sa mundo, pang 350 sa ranking.

Makikipagtuos naman sina Coo at Caluag sa labanan ng bilis at tapang sa Men’s BMX racing kontra pinakamahuhusay na rider sa buong Asya.

SHAGNE PAULA YAO­YAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with