^

Metro

Mendoza, Guadiz sinuspinde sa P13.3 bilyong computer fees

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mendoza, Guadiz sinuspinde sa P13.3 bilyong computer fees
Land Transportation Office (LTO) chief Asec. Atty. Vigor Mendoza III on January 18, 2024.

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Office of the Ombudsman sina dating Land Transportation Office (LTO) chief Vigor Mendoza II at Teofilo Guadiz III kaugnay ng patuloy na paggamit ng lumang information system ng Stradcom na nagresulta umano sa karag­dagang P13.3 bilyong computer fees mula 2019 hanggang 2025.

Si Mendoza ay kasaluku­yang chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), habang si Guadiz naman ay chairman ng Office of Transportation Cooperatives (OTC).

Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, kapwa ipinataw sa dalawa ang anim na buwang preventive suspension nang walang suweldo, o hanggang matapos ang kanilang administratibong kaso, dahil sa misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service. Layunin umano nitong mapangalagaan ang mga dokumento at ebidensiya at maiwasan ang posibleng karagdagang paglabag sa kanilang tungkulin.

Batay sa utos ng Ombudsman, ipinagpatuloy nina Guadiz at Mendoza ang paggamit ng lumang LTO system kahit na naipatupad na ang Land Transport Management System (LTMS) bilang pangunahing sistema ng ahensiya. Ayon sa Commission on Audit (COA), nagdulot ang sabay na paggamit ng dalawang sistema ng dagdag na gastos sa publiko dahil sa computer fees ng Stradcom na umabot sa P13.379 bilyon.

Sinabi ng Ombudsman na itinulak ni Guadiz noong 2022 ang pagpapatuloy ng lumang sistema, habang naglabas naman si Mendoza ng mga memorandum noong 2023 para muling ipatupad at gawing regular ang paggamit nito kasabay ng LTMS. Noong Enero 2025, iniutos din umano ni Mendoza ang pagproseso ng renewal ng rehistro ng mga pampublikong sasakyan sa lumang sistema kahit walang kumpirmasyon mula sa LTFRB.

Dagdag ng Ombudsman, nagpatuloy rin ang pagbuo at pangongo­lekta ng computer fees ng Stradcom kahit nag-expire na ang kasunduan nito sa gobyerno.

Samantala, sinabi ni Mendoza na maghahain siya ng mga ebidensiya at legal na argumento upang patunayang ang kanyang mga naging hakbang bilang LTO chief ay para sa kapakanan ng mga motorista at publiko at upang malinis ang kanyang pa­ngalan sa tamang forum.

LTO

OMBUDSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with