Marikina solon kinasuhan ng 4 counts ng rape

MANILA, Philippines — Isinampa na ng Department of Justice (DOJ) sa Marikina Regional Trial Court (RTC) ang 4 counts ng rape at acts of lasciviousness laban kay Marikina 1st District Rep. Marcelino “Marcy” Reyes Teodoro.
Nag-ugat ang mga kaso sa magkahiwalay na reklamo ng dalawang babaeng pulis na nagsilbing security aides ni Teodoro sa magkahiwalay na insidente. Ayon sa DOJ, may probable cause at reasonable certainty of conviction upang isampa ang mga kaso, kabilang ang apat na rape through sexual assault sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code at acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336.
Batay sa mga sinumpaang salaysay, inakusahan ng dalawang policewomen si Teodoro ng paulit-ulit na hindi kanais-nais na paghawak, sexual advances at sexual assault habang naka-duty bilang security aides.
Magkahiwalay ang panahon ng kanilang pagkaka-assign kay Teodoro at magkahiwalay din nilang iniulat sa mga awtoridad ang umano’y mga insidente.
Mariing itinanggi ni Teodoro ang mga akusasyon at tinawag ang mga ito na “malicious and untrue” at “politically motivated.”
Gayunman, nagpasiya ang DOJ na may sapat na batayan upang dalhin sa korte ang mga reklamo.
Dahil dito, haharapin ni Teodoro ang paglilitis sa Marikina RTC kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanya.
- Latest























