^

Metro

Metro Mayors, suportado ang anti-basura drive

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Metro Mayors, suportado ang anti-basura drive
Members of the Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City clean a creek filled with trash along Araneta Avenue in Quezon City on August 18, 2026 following monsoon rains that flooded several parts of Metro Manila and paralyzed traffic.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Metro Manila Council (MMC) na suportado nila ang panukala ni Las Piñas Lone District Rep. Mark Anthony Santos para sa mas komprehensibong, iisa at pangrehiyong kampanya laban sa littering at illegal dumping sa Metro Manila.

Nabatid na pangu­ngunahan ni MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora ang pagbuo ng Technical Working Group (TWG) na susuri sa mga panukala ni Santos. Suportado rin ito ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Don Artes upang magkaroon ng mas magkakaugnay na pagtugon sa problema sa basura.

Kabilang sa panukala ang pagtatatag ng mga “Garbage Police” unit sa 17 local government units (LGUs) ng Metro Manila, pati ang pagpapatupad ng minimum standards at magkakaugnay na polisiya laban sa pagtatapon ng basura.

Ayon kay Santos, layunin nitong palakasin ang kasalukuyang sistema nang hindi nakikialam sa awtonomiya ng mga LGU.

Binigyang-diin ni Santos na walang pinipiling political o city boundary­ ang basura dahil maaa­ring mapunta ito sa drai­nage, estero at ilog ng mga karatig-lugar at magdulot ng pagbabara at pagbaha. Layunin aniya ng panukala na makabuo ng pangmatagalan at koordinadong solusyon sa problema sa basura sa buong Metro Manila.

GARBAGE

WASTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with