^

Punto Mo

EDITORYAL — Ipatupad ang batas kahit sa dayuhan man

Pang-masa

KAPAG may paglabag sa batas sa loob ng Pilipinas, may karapatan at tungkulin ang estado na mag-imbestiga, magsagawa ng operasyon, at panagutin ang sinumang sangkot, maging Pilipino man ang mga ito o banyaga.

Ito ang maselang isyu na nag-ugat sa pagitan ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. at embahada ng China kaugnay ng pag-aresto sa ilang Chinese nationals sa isang steel plant sa Misamis Oriental. Ayon kay Teodoro, hindi dapat ilihis ang usapin sa pulitika o diplomasya. Ang tanong ay kung may naganap na ilegal na aktibidad, at ayon sa mga awtoridad, may basehan ang imbestigasyon.

Kabilang sa mga alegasyon ang paggamit ng substandard at posibleng radioactive na bakal, pagtatapon ng hindi treated na wastewater sa mga ilog, at paglabas ng toxic fumes. Hindi ito simpleng isyu ng dokumento o visa. Kung mapapatunayan, ito ay direktang banta sa kalusugan ng publiko, kalikasan, at seguridad.

Kasabay nito, may hiwalay na isyu na pinalutang sa gitna ng tensyon: ang ulat na mahigit 100 Pilipino ang naaresto sa China dahil sa umano’y iba’t ibang paglabag sa batas doon. Ayon sa mga ulat, ang ilan sa kanila ay nahaharap sa kasong may kinalaman sa illegal employment, fraud, o iba pang krimen sa ilalim ng batas ng China. Bagama’t hiwalay ang mga kasong ito sa ope­rasyon sa Misamis Oriental, nagiging bahagi sila ng mas malawak na diskusyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Gayunman, mahalagang igiit na ang lahat ng ­inaresto, sa Pilipinas man o sa China, ay may karapatan sa due process. Hindi dapat gawing hatol ang mga pahayag ng opisyal o ang mga ulat sa media. Ang ebidensiya ang dapat magdikta ng resulta, at ang tamang hukuman sa kani-kanilang bansa ang magpapasya.

Dito pumapasok ang tinatawag na “squid tactic”, ang pagpapalabo ng isyu upang mawala ang pokus sa pangunahing alegasyon.

Hindi dapat mahulog ang Pilipinas sa ganitong paglihis. Ang sitwasyon ng mahigit 100 Pilipino sa China ay dapat tingnan bilang hiwalay na usapin ng consular protection at karapatang pantao, hindi bilang bargaining chip o panakot sa pagpapatupad ng batas sa Pilipinas. Ang paggamit ng mga kasong ito bilang “pantapat” sa mga operasyon sa loob ng bansa ay nagiging delikadong precedent sa diplomasya.

Kailangan ng Pilipinas ng maingat na diplomasya, matibay na ebidensiya, at malinaw na paninindigan. Hindi ito usapin ng galit, kundi ng batas at proseso, sa magkabilang panig.

Ang Pilipinas ay hindi sakop o “backyard” ng ibang bansa. May sariling batas, sariling korte, at sariling karapatang ipagtanggol ang kapakanan ng mamamayan nito. Ipatupad nang naaayon ang batas kahit sino ang lumabag—walang palalampasin.

GILBERTO TEODORO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with